36th  anniversary ng Urban Poor Solidarity Day ipinagdiwang ng Muntinlupa

36th  anniversary ng Urban Poor Solidarity Day ipinagdiwang ng Muntinlupa

Ipinagdiwang ngayong araw (Huwebes, 01 Dec 2022) ang 36th anniversary ng Urban Poor Solidarity Day na may temang “Pinag-ibayong Serbisyo tungo sa Pagbangon” sa city hall ng Muntinlupa kaninang umaga.

Pinangunahan ni Mayor Ruffy Biazon ang programa, kasama ang Urban Poor Affairs Office (UPAO) at ang city council.

Dumating din ang iba’t ibang community association at nakipagtagisan ng kani-kanilang talento. Halos mapuno ang harapan ng City hall sa dami ng dumating kahit maulan bilang pagsuporta sa programa.

Matapos ang pagpapakita ng mga talento ng bawat asosasyon ay tinanggap naman ng bawat isa ang maagang Pamasko. Lubos naman ang kasiyahan ng lahat nang matanggap nila ang maagang Pamaskong ito ng lungsod.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply