PMS chief Angping naka-leave — Garafil

PMS chief Angping naka-leave — Garafil

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Humiling ang hepe ng Presidential Management Staff na si Sec. Zenaida Angping na magkaroon ng personal time ayon sa Malacañang nitong Biyernes (02 Dec 2022).

Ngunit ayon kay Press Undersecretary Cheloy Garafil, hindi niya alam kung gaano katagal magbakasyon si Angping ngunit inaprubahan aniya ito ni Marcos.

“Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping has asked to take some personal time for herself and her family, and the President agreed,” ayon kay Garafil.

Ito ang naging pahayag ng Palasyo matapos lumabas sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa sinasabing pagbibitiw ni Angping.

Hindi pa pinangalanan ng Malacañang kung sino ang pansamantalang mamumuno sa Presidential Management Staff.

(ai/mtvn)

Leave a Reply