Marcos, ipinag-utos sa PSA na pabilisin ang pag-imprenta ng PhilSys ID

Marcos, ipinag-utos sa PSA na pabilisin ang pag-imprenta ng PhilSys ID

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes ang Philippine Statistics Authority (PSA) na pabilisin ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.

“Let us print out as much as we can and then isunod natin ‘yung physical ID as soon as we can,” sinabi ng Pangulo sa meeting kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at PSA officials.

Sa pagpupulong, tinalakay din ang kapasidad ng pag-imprenta.

Naiulat kay Marcos na naayos na ang daloy ng datos mula PSA patungo sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni PSA Undersecretary Dennis Mapa na ang kanyang ahensya ay patuloy na nakikipagtulungan sa BSP sa higit pang pagpapabilis at pagpapalakas ng dami ng Phil ID production at printing.

Noong Oktubre, sinimulan ng PSA ang pagpapatupad ng naka-print na digital na bersyon ng Phil ID.

(ai/mtvn)

Leave a Reply