Pagdinig sa appointment ni Pascual bilang DTI chief sinuspinde ng CA panel

Pagdinig sa appointment ni Pascual bilang DTI chief sinuspinde ng CA panel

By Liza Soriano

Alfredo Pascual (Photo courtesy of BusinessMirror)

MANILA — Sinuspinde kahapon (Martes, 06 Dec 2022) ng Commission on Appointments (CA) committee ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Alfredo Pascual bilang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa kakulangan ng oras.

Si Luis Raymund Villafuerte, CA Majority Leader at Camarines Sur Representative ang kumilos na suspindihin muna ang pagdinig dahil aniya, isa pang komite ang nakatakdang harapin ang ad interim appointment ni Energy Secretary Raphael Lotilla at kailangang tapusin ng bicameral body ang plenary session nito pagsapit ng 3 p.m.

“For lack of material time, I move to suspend the consideration of the ad interim appointment of Mr. Alfredo Espinosa Pascual as secretary of the Department of Trade and Industry,” ani Villafuerte.

Ang kanyang mosyon ay inaprubahan ng CA Committee on Trade and Industry matapos itong suportahan ni Senador Imee Marcos.

(ai/mtvn)

Leave a Reply