CCC, Media Task Force nagbigay ng Pamasko sa mga lola’t nanay ng Caloocan

CCC, Media Task Force nagbigay ng Pamasko sa mga lola’t nanay ng Caloocan

Apaw ang tuwa at ngiti ng mga lola at mga nanay sa hindi nila inaasahang mapabilang sila sa mga makakatanggap ng Pamaskong grocery items mula sa Crossworld Christian Church sa Caloocan kaninang umaga.

Ang elder ng CCC na si Brother Jam ang siyang namuno sa pamimigay ng mga grocery packs bilang Pamasko ng church sa kanila bago raw s’ya bumalik pa-America, bilang pagpaparamdam ng kanilang pagmamalasakit at pagmamahal ngayong Pasko. Simula pa lamang daw ito at marami pang susunod na pag-abot sa kanila ang simbahan.

Naging bahagi rin ang grupo ng Media Task Force Riders for Charity, isang non-government organization na s’yang naging tulay ng simbahan para grupo ng mga lola at mga nanay sa Caloocan City. (Photo by Peter Lacang/ai/mtvn)

Leave a Reply