Trike operators pabor sa pag-regulate ng app-based motorcycle taxis ngunit…

Trike operators pabor sa pag-regulate ng app-based motorcycle taxis ngunit…

Sari-saring trike sa ‘Pinas (VisMin.ph photo courtesy)

Ang prangkisa sa public transport ay ipinagkaloob ng gobyerno sa isang indibidwal bilang “privilege to do business as a public transport.” Kaya naman maaari itong bawiin basta may “due process of law.”

Sa pagdinig ng Committee on Public Transportation ng House of Representatives tungkol sa pag-regulate ng motorcycle taxis ay halos lahat ng naimbitahan ay pabor na isabatas na ang pag-regulate ng motorcycle taxis.

Ang Lawyers for Commuter Safety ang Protection (LCSP) ay pabor din bilang isa sa mga naunang grupo na nanindigan na gawing ligal ang motorcycle taxis app-based.

Sa posisyon ng LCSP sinabi namin na ang motorcycle taxi kahit na app-based ay dapat mapabilang na public utility vehicle dahil sa kasalukuyang batas RA 11659 – at isinaad dito kung ano ang mga public transport vehicles na tinuturing na public utilities.

Sa batas nakasaad:

“Public utility vehicles refer to internal combustion engine vehicles that carry passengers and/or domestic cargo for a fee, offering services to the public namely trucks for hire, UV Express service, public utility buses, public utility jeepneys, tricycles, filcabs and taxis ….”

Dapat kasama ang motorcycle taxis at motorcycle delivery bilang public transport / public utilities.

Sa tingin ng LCSP ay walang magiging problema sa panukalang ito. Pero pag dating sa kanino dapat ipangalan ang prangkisa may dapat na suriin sa RA 11659 at sa mga umiiral na LTFRB memorandum circulars tungkol sa consolidation ng mga prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ang posisyon ng LCSP ay ang prangkisa ng motorcycle taxi ay DAPAT sa pangalan ng rider/operator/may ari ng motor.

Halos lahat ng riders ay individual persons. Ang kumpanya naman na may ari ng app-based platform ay accreditation ang ibigay bilang Motorcycle Taxi Companies na iba sa Transport Network Companies ng TNVS.

Pero dapat iayos ng Kongreso ang batas dahil sa RA 11659 ay tila NAWALA ang Individual franchise holders.

Sa dating batas malinaw kung sino ang maaaring bigyan ng prangkisa — CITIZENS OF THE PHILIPPINES or to corporations, co-partnerships, associations, or joint stocks companies duly constituted under Philippine laws. Sa RA 11659 ay NAWALA ANG CITIZENS OF THE PHILIPPINES.

Bakit? Dahil ba isinusulong ng DOTr ang programa na dapat mag-consolidate ang mga franchise holders sa associations, cooperatives, o corporations? Pag ganito, tuluyan nang mawawala ang individual franchise holders. Paano na lang ang motorcycle taxi riders?

Ang posisyon ng LCSP ay panatiliin ang mga individual franchise holders lalo na sa motorcycle taxis at delivery riders kung maisabatas na ang Motorcycle Taxi Law.

Sa pangkalahatan naman sa public transport ay sana masuri muli ang mga probisyon sa RA 11659 ukol sa prangkisa.

Para sa mga katanungan o komento, mag-text o tumawag lamang kay Atty. Inton (LCSP President)

(ai/mtvn)
President – Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)

09178174748

Leave a Reply