14 na pamilyang nasunugan sa Malabon nasa mabuti nang kalagayan

14 na pamilyang nasunugan sa Malabon nasa mabuti nang kalagayan

Personal na inihatid nina Malabon Mayor Jeannie Sandoval, City Administrator Alexander Rosete at Chief of Police PCol. Amante Daro, katuwang ang MDRRMO at CUPAO, ang mga pamilyang nasunugan mula sa Mabolo St, Brgy. Santolan at Brgy. Maysilo papunta sa kanilang pansamantalang tutuluyan sa C4 Road, Malabon City.

Halos 14 na pamilya at 50 indibidwal kasama ang mga bata ang inihinatid sa
shelter at binigyan ng pagkain, tubig at iba pang pangangailangan upang masigurong maayos ang kanilang kalagayan. Nangako naman ang alkalde sa mga biktima na mabibigyan sila ng agarang tulong upang makapagsimula uli sila ng panibagong buhay. (Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply