Admin cases na hawak ng PNP-IAS naresolba lahat sa pagtatapos ng ’22

Admin cases na hawak ng PNP-IAS naresolba lahat sa pagtatapos ng ’22

Ni Arwen Pascua

(Photo caption: IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo)

MANILA — Naresolba lahat ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang hawak nitong 1,581 administrative cases ng mga pulis nitong nakalipas na 2022.

Nangangahulugan ito, ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na wala nang naka-pending na kaso ang kanilang yunit ngayon kahit isa.

Kasunod nito ay ibinida ni Triambulo na ito na ang pinakamataas nilang 100% Adminisrative Case Resolution Efficiency (ACRE) mula sa nakalipas na pitong taon o mula 2015.

Sa datos, noong 2016 ay 62% ang naresolbang admin cases; 89% sa 2017; 85% noong 2018; 99.94% noong 2019; 99.75% noong 2020; 99.65% noong 2021.

Sinabi ni Triambulo na napataas nila ang porsyento ng ACRE makaraang ipatupad ang “zero backlog policy” noong 2016.

“This policy serves to support the mandates of the IAS as the lead agency in the campaign against all forms of misconduct in the PNP. This milestone could not have been achieved without cooperation of everyone in the IAS striving to fulfill our mandates,” ayon pa kay Triambulo.

(ai/mtvn)

Leave a Reply