Pinas handang tulungan ang mga Pinoy sa China sa gitna ng pagsipa ng mga kaso Covid doon

Pinas handang tulungan ang mga Pinoy sa China sa gitna ng pagsipa ng mga kaso Covid doon

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Tinitiyak ng isang mataas na opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang kaligtasan ng mga Pilipino sa China sa gitna ng napaulat na pagtaas ng mga impeksyon sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Jaime Florcruz nitong Miyerkules, handa ang Embahada ng Pilipinas sa China na magbigay ng tulong sa mga Pilipinong maaapektuhan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“Tuluy-tuloy naman po ang pagtulong ng gobyerno sa kung sinuman ang nangangailangan,” aniya.

“Nandiyan ang embassy na tumutulong sa kung sinuman ang may kailangan. At ina-advise sila na mag-ingat hangga’t kaya,” dagdag pa ni Flocruz.

Sa ngayon, tinatayang nasa 14,000 ang bilang ng mga Pinoy na nasa China, ani Florcruz.

Ginanap ang isang high-level meeting sa pagitan ng World Health Organization (WHO) at mga opisyal ng China noong Disyembre 30, 2022 upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa sitwasyon ng COVID-19 sa China.

Si Pangulong Bongbong Marcos at si First Lady Liza Marcos ay kasalukuyang nasa Mainland China para sa tatlong araw na state visit kasama ang iba pang government officials.

Sila ay nakatakda nang bumalik bukas, 05 January 2023.

(ai/mtvn)

Leave a Reply