Azurin nanguna sa ‘courtesy resignation’ call ni Abalos sa matataas na opisyal ng PNP

Azurin nanguna sa ‘courtesy resignation’ call ni Abalos sa matataas na opisyal ng PNP

Ni Arwen Pascua

MANILA — Upang ipakita ang kanyang sinseridad at suporta sa panawagan ni Department of Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na pangungunahan mismo niya ang pagsumite ng resignation.

Nakasaad ang hakbanging ito ng hepe ng kapulisan ng Pilipinas sa isang press statement na tumutugon sa panawagan ni Abalos na magkaroon ng puspusang internal cleansing sa pamamagitan ng courtesy resignation ng kapulisan magmula sa full colonels hanggang sa mga general.

Ayon pa sa pahayag ni Azurin, pasasailalim umano siya sa assessment sa pamamagitan ng pagpasa ng courtesy resignation sa kalihim na bumuo ng five-man fact-finding unit na susuri sa lahat ng magsusumite ng resignation at maging sa mga hinihinalang protector umano ng drug syndicates at sangkot sa tinaguriang “Nonja Cops.”

“The chief, PNP will be the first to submit himself for the said assessment and evaluation process, Most importantly, the PNP has full faith in the wisdom of our leaders which are always geared towards the good of the PNP organization and of the country,” bahagi ng official statement ng PNP.

Maging ang Police Regional Office 7 ay nagpalabas na rin ng video clip na suportado nila ang apela ng DILG habang una nang sinabi ni PNP Public Information Office chief, Col. Red Maranan na tatalima ang PNP sa panawagan ni Abalos. (ai/mtvn)

Leave a Reply