DA official nangako na susunod sa batas sa pagpapalabas sa merkado ng mga smuggled onions

DA official nangako na susunod sa batas sa pagpapalabas sa merkado ng mga smuggled onions

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na susundin nila ang tamang batas sa pagpapalabas ng mga smuggled na sibuyas sa merkado at sasailalim din diumano ang mga ito sa proper sanitation.

Sinabi ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na pinag-aaralan pa nila ang mga hakbang kung paano ilalabas ang mga nakumpiskang sibuyas na ito nang hindi nilalabag ang mga batas.

“May nagsasabi na sayang naman pero ito ay dadaan sa ating mga laws, orders, na kung ito ay ilalabas natin, dapat dumaan sa proper channels — wala dapat tayong bina-violate na laws,” ani Estoperez.

“Pangalawa, dumaan dito sa sanitary section. Yun lang naman ang kailangan natin. Ang isa pa, kumbaga iligal yan eh. Mukhang ito-tolerate natin, ilalabas sa merkado, mukhang hindi naman tama yun,” dagdag pa niya.

Nauna nang hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapalabas ng mga smuggled na sibuyas sa merkado para bumaba ang presyo nito sa mga pamilihan.

(ai/mtvn)

Leave a Reply