NCRPO lubos ang suporta sa ‘cleansing call’ ni Abalos

NCRPO lubos ang suporta sa ‘cleansing call’ ni Abalos

Sabay-sabay na nag-thumbs up ang mga full-pledge Colonels at Generals ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bilang pagsuporta sa apela nina Department of Interior and Local Government Secretary Atty. Benhur Abalos at si PNP P/Gen. Rodolfo Azurin Jr. na magbitiw ang mga ito upang gumawa ng panibagong simula at manalo sa digmaan laban sa iligal na droga na masyado nang laganap diumano sa bansa.

“Para sa ikabubuti ng ating bansa at bilang suporta sa ating Presidente Bongbong Marcos ay at sa pamamagitan ng ating PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin at
Napolcom Chairman/DILG Secretary Atty. Benhur Abalos ay pinamumunuan ko ang mga heneral at police colonel ng Team NCRPO sa pagsuporta ng adhikain nito,” pahayag pa ni NCRPO Director PMGen. Jonnel C. EStomo.

Ang adhikain ng panawagang pagbibitiw nila sa pwesto ni Sec. Abalos ay upang alisin ang mga hinihinalang protector ng drug trafficking na miyembro ng kapulisan. Ang lahat ng mga magbibitiw ay dadaan sa 5-man screening unit na binuo ng DILG na bubusisi kung may kinalaman sila o wala sa drug trafficking.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply