Baha sa UN, Taft Avenue ganoon pa rin

Baha sa UN, Taft Avenue ganoon pa rin

Ilang administrasyon na ang nagpapalit-palit ngunit tila hindi mahanapan ito ng solusyon o kaya sadyang binabalewala lamang ang problemang ito ng pagbaha sa United Nations at Taft Avenue sa lungsod ng Maynila.

Tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay makikita ang eksenang ito na malalim ang tubig-baha kaya hirap ang mga mananakay, gayon din ang mga pampasaherong jeep at maging ang malalaking sasakyan gaya ng bus dahil kinakailangang iwasan nila ang baha kaya ang nangyayari nagkakabuhol-buhol ang trapiko sa naturang lugar.

Matatandaang tuwing may mga malakas na pag-ulan ay laging nasa pahayagan, radyo at telebisyon ang lugar na ito ngunit tila walang seryosong pagsasaayos ang mga nakaraan at kasalukuyang pamunuan ng lungsod upang maresolba ito.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply