Bilang ng fireworks-related injuries mas mataas ng 62% ngayong taon — DOH

Bilang ng fireworks-related injuries mas mataas ng 62% ngayong taon — DOH

Ni Liezelle Soriano

Philippine Star photo courtesy

MANILA — Umakyat na sa 307 ang bilang ng mga nasugatan na may kaugnayan sa paputok sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes. 

Ayon sa ahensiya, 16 bagong firecracker blast injuries ang naitala sa mga sentinel hospital ng DOH mula Enero 5 hanggang 6. 

Ang pinakahuling bilang ay 62 porsiyentong mas mataas kumpara sa naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Nakapagtala ang bansa ng 189 na pinsalang nauugnay sa paputok mula Disyembre 21 hanggang Enero 6 noong 2021.

“Mula kahapon, Jan.5, labing-anim (16) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” ayon sa DOH.

“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa tatlongdaan at pito (307) na mas mataas ng animnapu’t dalawang porsyento (62%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa,” dagdag pa nito.

(AI/MTVN)

Leave a Reply