Manila’s Finest chief PBGen Andre Dizon nagsumite na rin ng ‘courtesy resignation’

Manila’s Finest chief PBGen Andre Dizon nagsumite na rin ng ‘courtesy resignation’

MANILA — Nagsumite na rin ngayong Biyernes si Police Brigadier General Andre “The Game Changer” Dizon ng kanyang “courtesy resignation” alinsunod sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government ( DILG) Secretary Benhur Abalos upang linisin ang hanay ng kapulisan sa kabi-kabilang akusasyon ng pakikipagsabwatan sa mga drug trafficker.

Ang iba pang mga kasamahan ni General Dizon ay naghain na rin ng kanilang courtesy resignations sa tanggapan ni Abalos sa pangunguna mismo ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin bilang pagsunod sa panawagan ng kalihim.

Ayon kay General Dizon, ito ang napagkasunduan ng mga kapwa niya heneral at colonel sa ginanap na “command conference” sa PNP National Headquarters sa Camp Crame noong Miyerkoles ng hapon.

Suportado umano nila ang layunin na masala ang kanilang hanay at matukoy talaga kung sino ang mga sangkot o hinihinalang protektor ng iligal na droga sa PNP.

Sinabi pa niya na posibleng may mga intelligence report nang nakarating sa tanggapan ng DILG ukol sa pagkakasangkot ng ilan nilang kasamahan na opisyal kaya itinulak ng kalihim ang boluntaryo nilang pagbibitiw.

Habang nakahain naman umano ang kanilang resignation, maaari pa rin nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin hanggang ‘di natatapos ang proseso sa kanilang mga inihaing resignation.

Gayunpaman, hindi rin itinanggi ni Dizon na bahagyang nagkaroon ng “low morale” na nakaapekto sa sa kanila sa pangyayari.

“Iyong organization ng PNP at ang pamilya kasi ang apektado dito eh,” dagdag ni Dizon.

Umaasa naman sila na magiging patas ang magiging assessment sa kanila ng bubuuing five-man komite na sasala sa kani- kanilang tungkulin at kung mayroon talaga silang kinalaman sa drug trafficking.

(Benjamin Cauresma/ai/mtvn)


Makikita sa larawan si 

MPD chief PBGen.Andre Dizon na ipinapakita sa media ang kopya ng kanyang isinumiting courtesy resignation kay DILG Sec.Benhur Abalos Jr. nitong Biyernes.

Leave a Reply