2 bata patay matapos malunod sa basura sa QC

2 bata patay matapos malunod sa basura sa QC

Dalawang bata ang namatay nitong Sabado matapos nilang pumailalim sa tambak ng basurang nakalutang nang tumaob ang gamit nilang balsa sa paglalaro sa isang estero sa G. Araneta at Amoranto street sa Quezon City.

Nakilala ng mga sumagip na miyembro ng Coast Guard ang mga biktima na sina Lhilwayn Evangelista alyas “Nognog” (11) at si Abraham Reyes (12).

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply