Kauna-unahang ‘Walk of Faith’ umabot sa 80K+ na mga deboto ang nagpartisipa

Kauna-unahang ‘Walk of Faith’ umabot sa 80K+ na mga deboto ang nagpartisipa

Tinatayang umabot sa humigit-kumulang na 88,000 na mga deboto ang nagpartisipa sa kauna-unahang “Walk of Faith” kaninang madaling araw ng Linggo (January 8,2023) bilang paghahanda sa kapistahan ng Black Nazarene.

Ayon sa Quiapo Church Command post, nag umpisa ang Walk of Faith sa Quirino Grandstand, Luneta Park ng
mga ala-1:30 madaling araw ng Linggo at ito ay nagtapos sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo Church ng Maynila.

Umabot diumano sa mahigit dalawang (2) oras na prusisyon ng mga devotees sa Walk of Faith na siyang naging pamalit pansamantala sa Translacion na sinuspinde sa ikatlong sunod na taon na ng mga otoridad upang maiwasan ang pagkakahawa-hawa sa virus ng Covid-19.

Ngunit ang tanong ng ilang mamamahayag ay kung meron ba namang ipinag-iba gayung hitik din sa tao ang Walk of Faith?

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply