Mayor ng Calasiao pumanaw dahil sa stroke

Mayor ng Calasiao pumanaw dahil sa stroke

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Pumanaw na ang alkalde ng Calasiao, Pangasinan na si Maya Caramat nitong Linggo ng umaga dahil sa stroke.

Siya ay 53 taong gulang.

Si Caramat, ang first lady mayor ng bayan, ay matagal nang may hypertension.

Ang kanyang pamilya ay mag-aanunsyo ng mga detalye sa lamay at paglilibing ganun din ang ulat sa post sa official Facebook page ng bayan.

Naiwan ni Caramat ang kanyang asawang si Police Brigadier General Romeo Caramat at kanilang mga anak na sina Calasiao town administrator Patrick at Kim.

(ai/mtvn)

Leave a Reply