Marcos nangako na mag-i-invest ang Pinas sa pagpapaunlad ng transportasyon sa bansa

Marcos nangako na mag-i-invest ang Pinas sa pagpapaunlad ng transportasyon sa bansa

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Nangako nitong Lunes si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mamumuhunan sa mga proyektong patuloy na magpapaunlad sa sistema ng transportasyon ng Pilipinas.

Giit pa niya, makikinabang ang ekonomiya ng bansa kinalaunan.

Nitong Lunes (09 January 2023) ay pinangunahan ni Marcos ang paglulunsad ng Metro Manila Subway Project ng tunnel boring machine sa Valenzuela City.

“We will continue to invest and improve on our transportation systems as well as to pursue more projects in the years to come so that Filipinos can gain greater access to places of work, commerce, recreation, and other vital areas,” pahayag ni Marcos sa kanyang speech.

“Having an effective and efficient transportation system will have multiplier effects on employment, the economy, [and] our society; it will bring comfort, convenience, [and] an easier life for all,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din si Marcos sa gobyerno ng Japan at sa Japan International Cooperation Agency (JICA) sa patuloy na pagsuporta sa mga imprastraktura ng bansa.

“The assistance of the Japanese government, of JICA in particular, without which we could not have fulfilled many of our infrastructure programs,” ayon sa Pangulo.

“These tunnel boring machines highlight Japan’s expertise in technology and trailblazing contributions in the modern world. And thus, I am confident that they will help us shape our railway infrastructure and keep them at par with the highest international standards,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply