Pagbaba ng krimen ibinida ng PNP

Pagbaba ng krimen ibinida ng PNP

Ni Arwen Pascua

MANILA — Ibinida ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng krimen sa nakalipas na anim na buwan ng hanggang 6.37%.

Sa regular Monday press conference, inihayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nasa 7,178 ang naitalang crime incidents batay sa Peace and Order Indicator (POI) noong Hulyo 2022.

Mas mababa ito ng 6.37% sa dating 112,746 incidents noong 2021 sa kaparehong panahon.

Maging sa Luzon at Mindanao ay mayroon ding pagbaba ng crime rate subalit sa Visayas region ay tumaas pa ang krimen.

“POI decreased in Luzon by 7.35% and Mindanao by 12.29% while in Visayas regions increased by 5.65%,” ayon kay Azurin.

Maging ang monthly average ng POI Crime Rate ay bumaba rin ng 6.34% mula sa dating 16.72 hanggang 15.55.

Bumaba rin ang Index crimes ng 8.03% o 1,701 mula sa dating 21,185 kumpara sa 19,484 Index crimes.

Bumaba rin ang Index crimes sa Luzon ng 8.43%; Visayas , 6.28% at Mindanao, 8.71%.

Aminado naman ang PNP chief, na sa 6-month period, ang theft, rape at physical injury ang nangungunang krimen.

Nanatili naman ang Crime Solutuon Efficiency sa mataas na 81.78% sa katatapos na taon, 2022, na mas mataas kumpara noong 2021 na 80.51%. (ai/mtvn)

Leave a Reply