PNPA inalok ng health assistance ng DOH

PNPA inalok ng health assistance ng DOH

Ni Arwen Pascua

MANILA — Inalok ng Department of Health ang mga opisyal, tauhan at maging ang kadete ng Philippine National Police Academy sa Silang, Cavite ng health assistance.

Sa talumpati ni DOH Undersecretary for Field Implementation and Coordinating Team-Visayas Camilo Pancratius P. Cascolan, may ayuda na manggagaling sa DOH para sa taga-PNPA at maging sa mga pulis.

Ang ayuda ay sa anyo ng health assistance sakaling magkasakit ang sinuman mula sa PNPA.

“Whatever the DOH could give you, as long as I’m still here (DOH), please approach us,” ayon kay Cascolan na dating hepe ng Philippine National Police.

Samantala, hinimok din ni Cascolan ang mga kadete na kumpletuhin ang primary dosage ng anti-Covid 19 vaccine, gayundin ang pagpapa-booster shots.

Ipinaliwanag ng Health official ang kahalagahan ng Covid19 booster shot at ito upang makamit ang complete protection laban sa nasabing virus na nagpapatuloy sa mutation.

Si Cascolan ay nagsibing Guest Speaker sa Flag Raising Ceremony sa premier institution kung saan malugod siyang sinalubong ni PNPA Director, Major General Eric Noble. (ai/mtvn)


Si DOH Undersecretary for Field Implementation and Coordinating Team-Visayas Camilo Pancratius P. Cascolan (kaliwa) kasama si PNPA Director Major General Eric Noble.

Leave a Reply