Walk of Faith sa Black Nazarene nagmistulang Traslacion din

Walk of Faith sa Black Nazarene nagmistulang Traslacion din

Benjamin Cuaresma

MANILA — Iniwasan maging super-spreader ng virus (Covid-19) kung kaya’t hindi pinayagan ang pagsasagawa ng Traslacion sa ikatlong sunod na taon ngayon ngunit hindi ito nalayo dahil hitik din sa tao, walang inobserbahang social distancing ang nangyari sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Black Nazarene ngayong Lunes, 09 January 2023.

‘Ika nga “a photo paints a thousand words,” kung kaya’t kitang-kita na halos ‘di mahulugan ng karayom ang mga lansangan at ang paligid ng simbahan ng Quiapo sa mga debotong nag-partisipa sa kauna-unahang Walk of Faith na pansamantalang pumalit sa Translation.

Ayon sa talaan ng command center, umabot diumano sa mahigit 200,000 ang mga debotong nagpartisipa at nasa paligid ng Quiapo Church ngyong Lunes. Sila ay nagtiyagang umantabay madaling araw pa lamang.

Ilan sa kanila ay nakapanayam ng MTVN at ayon sa mga deboto may mga pansarili nilang panalangain at pasasalamat sa Itim na Nazareno sa mga biyayang natamo kung kaya’t sila ay dumalo.

Dalangin din nila na magkaroon ng mapayapang pamumuhay sampu ng kanilang mga kaanak. (ai/mtvn)

Leave a Reply