50+ na kolorom na trikes na-impound sa Maynila 

50+ na kolorom na trikes na-impound sa Maynila 

Nagresulta sa pagkakahuli sa mahigit na 50 na kolorom na tricycles ang biglaang operasyon ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau ( MTPB ) sa Sta. Cruz, Maynila nitong Martes (10 January 2023).

At upang hindi makawala ang mga ito ay sunod-sunod na tinalian ng lubid ang mga ito ng mga tauhan ng MTPB.

Ayon sa MTPB, ang mga nasabing tricycles ay lumabag sa batas trapiko gaya ng kakulangan sa kaukulang dokumento, kolorum, nagsasakay at nagbababa sa mga lugar na ipinagbabawal na siyang nagiging sanhi ng pagsisikip sa daloy ng trapiko.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply