Garafil itinalaga na bilangbagong PCO Secretary

Garafil itinalaga na bilangbagong PCO Secretary

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Hinirang na si Cheloy Garafil bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) matapos magsilbi bilang officer-in-charge ng opisina ng halos apat na buwan mula nang magbitiw ang dating Press Secretary na si Atty Trixie Cruz-Angeles.

Ito ang inihayag ng PCO nitong Martes makaraang mag-post ito ng larawan ni Garafil na nanunumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the oath-taking of Atty. Cheloy Velicaria-Garafil as the new Secretary of the Presidential Communications Office,” ayon sa post nito sa Facebook.

Si Garafil ay unang nagsilbi bilang OIC ng Office of the Press Secretary noong Oktubre 2022, kasunod ng pagbibitiw ni Angeles.

Bago ito, siya ang tagapangulo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

(ai/mtvn)

Leave a Reply