Hongkongites nag-courtesy call kay DSWD OIC Edu Punay

Hongkongites nag-courtesy call kay DSWD OIC Edu Punay

“Sana ay patuloy po tayong magtulungan sa iisang hangarin natin na bigyang kalinga ang ating mga kababayan. Salamat din po sa inyong tulong medikal sa mga Pilipino sa Hong Kong na nangangailangan.”

Ito ang ilan sa naging pahayag (na isinalin sa English) ni DSWD Officer-In-Charge Undersecretary Edu Punay (gitna, nakaputing polo) sa kanyang pulong kasama sina Secretary for Labour and Welfare Chris Sun ng Government of the Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) at mga kasamang delegado nito sa ginanap na Courtesy Meeting sa Auditorium ng Kagawaran noong Lunes (9 Enero 2023).

Tinalakay sa Courtesy Meeting sa pagitan ng DSWD at HKSAR ang mga proyektong tutugon sa mga pangangailangang pangkomunidad lalo na sa mga mahihirap at matatanda, mga bata at kabataan, at mga pamilyang nangangailangan.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply