Marcos ipinag-utos na pabilisin ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura sa Misamis Occidental

Marcos ipinag-utos na pabilisin ang pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura sa Misamis Occidental

Ni Liezelle Soriano

Isang lugar Misamis Occidental na lumubog sa baha kung saan napilitan ang mga mamamayan na gumamit ng banka (PNA photo courtesy)

MANILA — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Miyerkules na pabilisin ang rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura sa Misamis Occidental kasunod ng mga pagbaha noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sinabi ni Marcos na kailangang magsagawa ng pag-aaral kung paano matutugunan ang pagbaha sa Misamis Occidental dahil gusto niyang matukoy din ng DPWH ang sanhi ng pagbaha sa lalawigan.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), iminungkahi ni Marcos na humingi ng tulong sa Japan, dahil ang bansa, ayon sa kanya, ay may malawak na karanasan at kadalubhasaan sa pagharap sa mga baha.

Samantala, inatasan din ni Marcos ang National Housing Authority (NHA) na maghanap ng resettlement area para sa mga residente sa Misamis Occidental na nawasak ang mga tahanan dahil sa baha.

“Nag-coordinate na kami sa National Housing Authority. ‘Yung mga bahay na totally destroyed, hahanapan natin ng resettlement area para magkaroon ng tirahan,” aniya ng Pangulo.

“So ‘yan ang ating mga gagawin… sa darating na ilang linggo kaya’t asahan ho ninyo, kung mayroon kayong pangangailangan, nandito po si governor, nandito po si congressman, nandito po ang ating mga ahensya,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply