NO FLY ZONE- Ang Pinas- Migs Zubiri

NO FLY ZONE- Ang Pinas- Migs Zubiri

Photo at teksto ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Naging panauhin si Senate President Migz Subiri ngayong araw (11 January 2023) sa isang media forum partikular na ang Kapihan sa Manila Bay sa Adriatico, Malate Manila, na pinangunahan ni Marichu Villanueva bilang facilitator.

Maliban sa isyu ng Maharlika Investment Fund, tinalakay din ng pinuno ng senado ang kapalpakan noong January 1, 2023 ng Department of Transportation at turuan ng mga opisyales na nagdulot ng kalituhan at pagka-stranded ng dalawang araw ang libo-libong pasahero sa Ninoy Aquino International Airport at sa iba pang paliparan ng bansa.

“No Fly Zone” ang PIlipinas ayon kay Zubiri tungkol sa pangyayaring iyon. Ayon pa sa kanya animo may giyera sa Pilipinas kung kaya’t naging usap-usapan sa buong mundo ang pangyayaring kapalpakan na nangyari sa bansa unang araw pa lamang ng Year of the Water Rabbit.

Marami anya ang nagalit na mga turista at marami rito ang nagsabing ‘di na babalik sa pilipinas.

Naka-pitong biyahe na aniya si President Marcos sa ibang bansa at ang bukang-bibig ng Pangulo aniya ay “bumisita kayo sa Pilipinas maganda at bukas na ang Pilipinas para negosyo at turismo” tapos ito ang nangyayari sa ating bansa, “ It does not give us a good picture of our country,” dugtong pa niya.

Ang pangyayari nitong January 1, 2023 ay masasabi nating issue ng National Defense at National Securiry pahayag pa nito.

Binigyan diin din ni Zubiri ang tungkol sa Maharlika Fund at sinabi nito na open naman daw ang mga senador sa idea at hindi naman nila sinasabing hindi papasa ito kundi ang gusto lang anya nila ay mapag-usapan ng maayos at malagay na isang safe investment ang maharlika Fund at hindi magaya sa nangyari sa Malaysia.

“It must be a safe investment,” wika ni Zubiri.

Ang Maharlika Investment Fund ay pasado na sa Mababang Kapulungan noong nakalipas na Dec. 15, 2022. (ai/mtvn)

Leave a Reply