PNP officials na nag-file ng courtesy resignation isasalang sa lifestyle check

PNP officials na nag-file ng courtesy resignation isasalang sa lifestyle check

Ni Arwen Pascua

MANILA — Magiging bahagi ng evaluation ng five-man screening committe sa mga nag-file ng courtesy resignation (CR) na mga police full colonel at generals ang pagsasailalim sa mga ito sa lifestyle check.

Ito’y ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ang lahat ng kumasa sa hamon ni Interior Secretary Benhur Abalos ay sasailalim ng lifestyle check.

Paliwanag ni Azurin nitong Miyerkules, ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na siyang mag-a-assess sa courtesy resignations ng mga matataas na opisyal ng PNP at ito ang pagbabasehan ng rekomendasyon nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr upang sila ay i-retain o patalsikin at kasuhan.

Nitong Martes (10 January 2023), nasa 500 matatas na opisyal na ng PNP ang nagsumite na ng kani-kanilang courtesy resignation, ngunit hindi pa malinaw kung kasama sa mga ito ang umano’y 10 na sangkot sa illegal drug trade.

Ang submission ng CR ay maaaring gawin hanggang Enero 31 habang ito ay boluntaryo at walang pilitan, ayon kay Azurin.

Sinabi rin ng PNP chief na isang test of character ang hakbang (CR) upang sumailalim sa ebalwasyon ng five-man committee at ma-clear sa anumang alegasyong iregularidad.

Una nang sinabi ni Azurin na 22 ang listahan na kanilang hawak para maging bahagi ng five-man committee habang isa sa mga ito ang kumpirmadong si Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang uupo.

Si Magalong ay dating pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group at Deputy Chief for Operations sa PNP.

(ai/mtvn)

Leave a Reply