SINO ANG MAGIGING RESPONSABLE SA P110-B NA PONDO NG MIF

SINO ANG MAGIGING RESPONSABLE SA P110-B NA PONDO NG MIF

MANILA — Marami ang nagtatanong sa kung sino ang mamamahala sa napakalaking pondong malilikom ng Maharlika Investment Fund na aabot sa humigit-kumulang P110 billion bilang panimula.

Makukuha natin ang impormasyong ito at iba pa sa ikatlong bahagi ng seryeng ito.

Tunghayan:

Sino ang magiging responsable sa pondong ito?

Magtatayo ang gobyerno ng panibagong Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) na tatawaging Maharlika Investment Corporation (MIC). Mayroon itong sariling Charter at gagabayan ng mga regulasyon ng Securities and Exchange Commision at Securities Regulation Code.

Patatakbuhin ang korporasyon ng Board of Directors nito na may 15 miyembro.

Kabilang dito ang Secretary of Finance (Chairperson); Chief Executive Officer; Presidente ng Land Bank of the Philippines; Presidente ng Development Bank of the Philippines; pitong (7) regular members mula sa mga Government Financial Institutions; at apat (4) na independent directors mula sa pribadong sektor.

May Advisory Body din ang nasabing korporasyon. Kabilang dito ang Secretary of Budget and Management, Secretary ng NEDA, at National Treasurer.

Saan kukuha ang Pilipinas ng kapital para mabuo ang Maharlika Investment Fund?

Maglalaan ang gobyerno ng humigit-kumulang na P110 bilyon bilang panimulang kapital ng MIF.

Ang P50 bilyon ay kukunin sa surplus at investible funds ng Land Bank of the Philippines (Land Bank), P25 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines (DBP) at ang balanse ay galing naman sa 100% dividends batay sa kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa ikalawang taon, madadagdagan ang pondo mula sa dividends pa rin ng BSP; 10% ng kita mula sa PAGCOR at iba pang government-owned gaming operators; at mga kita mula sa mga royalties at special assessments sa mga likas na yaman ng bansa.

9. Hindi ba kasama ang SSS at GSIS sa pagkukunan ng pondo para sa Mahalika Fund? Paano na ang mga miyembro nito sakaling malugi ang pondo ng MIF?

Nang binuo ng economic managers ang plano para sa Maharlika Fund, nagpasya ang pamunuan ng GSIS at SSS na mag-invest din sa pondo nito. Ito ang dahilan kung bakit nasama sila sa listahan ng GFIs na pagkukunan ng pondo. Pero dahil maraming miyembro ng mga GFIs na ito ang nababahala sa pondo nila, nagpasya ang mga may-akda ng panukalang batas na hindi sa isali ang GSIS at SSS sa panimulang pondo ng Maharlika Fund.

Hindi gagamitin ang pondo na laan sa pension at benepisyong galing sa GSIS at SSS. Nakatabi ang pondong ito at hindi maaaring galawin ninuman.

Ang pondo na dadalhin sana ng GSIS at SSS sa MIF ay ‘yung tinatawag na investible funds o mga pondo na laan nila para gawing kapital sa iba’t ibang negosyo. Ginagawa na ito sa ngayon ng GSIS at SSS para palaguin pa ang pondo nila labas sa kontribusyon ng mga miyembro.

Ganito rin ang ginagawa ng mga bangko sa perang inihahabilin sa kanila ng mga depositor nila. Ginagamit na kapital para palaguin pa.

Sa bagong bersyon ng Maharlika Bill, hindi na kasama ang GSIS at SSS sa fund sources ng nasabing pondo.

9. Paano poproktehan ang Maharlika Investment Fund sa korapsyon?

Magiging transparent ang MIC, ang korporasyon na magpapatakbo ng pondong ito. May magbabantay dito na Risk Management Unit na binubuo ng limang miyembro. Kabilang dito ang isang Independent Professional sa larangan ng finance, economics, at investments; dalawang (2) Senior Executives ng MIC; isang Independent Director; at isang Auditor.

Bukod dito, babantayan din ang pondo ng Joint Congressional Oversight Committee na binubuo ng 5 senador at 5

kongresista.

Mayroon ding tatlong “layers of audit” sa pondo: internal o panloob; external o panlabas na galing sa mga international accredited auditors; at Commission on Audit.

Lahat ng book of accounts ng MIC ay gagawing bukas para sa pagsusuri ng Commission on Audit batay na rin sa isinasaad ng Philippine Constitution.

Magiging transparent ang MIC, ang korporasyon na magpapatakbo ng pondong ito. May magbabantay dito na Risk Management Unit na binubuo ng limang miyembro. Kabilang dito ang isang Independent Professional sa larangan ng finance, economics, at investments; dalawang (2) Senior Executives ng MIC; isang Independent Director; at isang Auditor.

Bukod dito, babantayan din ang pondo ng Joint Congressional Oversight Committee na binubuo ng limang (5) Senador at limang (5) Kongresista.

Mayroon din tatlong “layers of audit” sa pondo: internal o panloob; external o panlabas na galing sa mga international accredited auditors; at Commission on Audit.

Lahat ng book of accounts ng MIC ay gagawing bukas para sa pagsusuri ng Commission on Audit batay na rin sa isinasaad ng Philippine Constitution. (ai/mtvn)

Itutuloy…

Leave a Reply