DICT: SIM Card registration hanggang April 26 lamang

DICT: SIM Card registration hanggang April 26 lamang

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Pinaalalahanan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Huwebes ang publiko na ang SIM (subscriber identity module) registration program ay tatakbo lamang hanggang Abril 26. 

Nagbabala ito na ang mga SIM na hindi nakarehistro pagsapit sa petsang nakatakda ay ide-deactivate. 

Pinaalalahanan din nito ang publiko na magparehistro lamang gamit ang mga opisyal na channel.

Mahigit 17 milyong SIM ang nairehistro na. Ito ay kumakatawan sa 10.13 porsiyento ng 169 milyong cellular subscribers sa buong bansa, sinabi ng DICT.

Sinabi ng DICT na nilalayon nitong magparehistro ng hindi bababa sa isang milyong SIM araw-araw, ngunit inaasahan ang paghina at pagkatapos ay muling surge malapit sa deadline.(ai/mtvn)

Leave a Reply