Nagsumite ng courtesy resignation na PNP senior officers nasa 81% na; lifestyle check idinepensa

Nagsumite ng courtesy resignation na PNP senior officers nasa 81% na; lifestyle check idinepensa

Ni Arwen Pascua

MANILA — Pumalo na sa 81% ng target na 954 senior officials sa Philippine National Police (PNP) ang nakapaghain na ng courtesy resignation (CR) ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Huwebes.

Kinabibilangan ng full colonel at general ang mga nagsumite ng (CR) habang umaasa si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na mas marami pa ang magre-resign ngayong linggo.

“As of 12 noon today more or less 80 to 81 percent of the total of (954) PNP senior
officers have already submitted their respective courtesy resignations, more or less 700 plus out of the 954 but we expect and so with the chief PNP that within this week more courtesy resignations will reach the NHQ,” ayon kay Fajardo.

Dagdag pa ni Fajardo na hihintay ni Azurin hanggang Enero 31 ang mga CR.

Idinepensa naman ng PNP official ang lifestyle check na maaaring gawin kapag nakapagpasa na ng CR ang mga senior PNP officers.

Sinegundahan ni Fajardo ang unang pahayag kay Azurin na bahagi ng evaluation and assessment ng five-man committee ang pagsisiyasat sa pamumuhay o lifestyle ng mga nagsumite ng CR.

“When the chief PNP was asked how the evaluation and assessment will proceed and he mentioned that one of the procedures that will be undertaken by the five-man committee during the conduct of evaluation and assessment is the conduct of lifestyle check for all of the 954 senior officers,” ani Fajardo.

Aminado naman si Fajardo na hindi pa nila alam kung sino-sino ang itatalagang miyembro ng komite maliban kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong na dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group. (ai/mtvn)

Leave a Reply