TAMA BA ANG “TIMING” NG MAHARLIKA INVESTMENT FUND?

TAMA BA ANG “TIMING” NG MAHARLIKA INVESTMENT FUND?

MANILA — Nararapat bang ipatupad ang MIF gayong sinasabi nating nasa gitna ng krisis ang bansa? Sa taas ng presyo ng mga bilihin, pati presyon ng mamamayan ay tumataas din!

Ito ang dahilan kung kaya marami ang nagtatanong kung tama ba ang “timing” ng panukalang Maharlika Investment Fund o hindi?

Mayroon nga bang kapakinabangan dito ang mamamayang Pilipino?

Lahat ‘yan at iba pang mga katanungan ay masasagot sa ikaapat na yugto ng seryeng ito tungkol sa MIF o Maharlika Wealth o Sovereign Fund.

Tunghayan:

“We invest surpluses in other pockets,”  ‘ika ng isang economic expert.

Isang magandang halimbawa, aniya, nito ay ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa kalakaran, isinusumite nito ang mga kinita sa gobyerno ngunit ito’y ibinabalik din sa BSP upang palakihin pa ang “capitalization” nito.

Na, ibig sabihin ay hindi talaga ito nakadaragdag sa pondong kailangan ng gobyerno sa mga dapat na ilunsad na mga proyektong mapakikinabangan ng nakararami.

Ginawan ito ng assessment o pag-aaral at lumabas sa kanilang balance sheet na malakas, na kaya nitong ibahagi ang kalahati ng kinikita nito sa Fund o katumbas ng 100 percent na dibidendo.

Alam ba ninyo na ang total assets ng BSP ay P7 trillion?

Kasama na riyan ang $90 billion na international reserves.

Ngunit hindi ito pakikialaman ng Fund upang protektahan ang pera ng bansa upang hindi bumagsak.

Ngunit, habang dinedepensahan nito ang pesoses ng bansa, kumikita rin ang BSP sa forex market na dapat lamang SANA BUMALIK SA TAUMBAYAN.

Ngunit hindi. Sa ngayon, ini-invest nito ang pera sa treasury bills ng Estados Unidos na, kung ating susuriin, ang BSP pa ang siyang nagpapautang ngayon sa US at hindi sa Pilipinas.

Dahil dito, nag-komit ang BSP na mag-ambag sa Fund ng 100 percent ng dibidendo nito sa loob ng dalawang taon at 50% sa pangatlong taon at sa mga susunod pa basta mami-meet nito ang target capitalization nito na P200-B.

Professional management

Walang dapat alalahanin ang taumbayan, anila pa, dahil ang Fund ay hahawakan at patatakbuhin ng mga kwalipikadong tao, may integridad at pagkakatiwalaan.

Mayroon din itong bubuuing “risk management unit” upang maseguro na lahat ng papasuking negosyo ay may kita na ibabalik habang pinangangalagaan ang pagpatakbo nito.

Sinabi pa ng mga nagpanukala na 25 porsiyento ng kita ng Maharlika Fund ay mapupunta sa national government na gugugulin naman bilang ayuda sa mga taong nangangailangan mula Aparri hanggang Jolo.

On the question of timing

Now is the right time.

Kung hindi ngayon, kailan pa?

Matagal na itong panukala.

Panahon pa ito ni Pangulong PNoy at ni Sen. Bam Aquino na unang naghain ng panukala.

“Our budget of 5.268T is simply not enough to fund all our needs. Paano pa tayo magtatayo ng mga infrastructure para maging modern nation tayo?  We need to invest today for the future generation,” paliwanag pa ng isang ekonomista.

“‘Yung napakaraming investible funds sa GFIs and GOCCs at tubo ng BSP ay available na ngayon. So let’s invest that now.”

“We also need to compete with other countries for foreign investible funds. Baka mapunta pa ito sa Indonesia Wealth Funds sa halip na sa atin.

Kaya, kailangan na natin ngayon ito.

Sa investors, klaro na buy low, sell high. Habang mababa pa ang presyo ng assets, mag-invest na ngayon.

Sa susunod na yugto (Part 5), ating hihimayin kung saan pupuwedeng kumuha ng pondo ang bansa para sa Maharlika Investmend Fund.

Itutuloy…

Leave a Reply