Dating DILG Secretary Año itinalagang National Security Adviser

Dating DILG Secretary Año itinalagang National Security Adviser

Ni Arwen Pascua

Si dating DILG Secretary Eduardo Año (Bombo Radio photo courtesy)

MANILA — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Interior Secretary Eduardo Año bilang bagong National Security Adviser.

Pinalitan ng dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff si Prof. Clarita Carlos na bumaba sa kanyang pwesto para maging bahagi ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) ng Kamara de Representantes.

Si Año ay nagsilbing kalihim ng DILG sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong 2018 hanggang 2022.

Masasabing marami ang sang-ayon na maging NSA ang retiradong heneral dahil sa taglay na husay nito nang siya ay nagsisilbi sa AFP.

Bukod pa ang lawak ng kaalaman into na pamahalaan ang local government units dahil bahagi siya ng paglaban ng Pilipinas sa COVID-19 na sumulpot noon 2020, particular ang naging role nina sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

Kung seguridad ang pag-uusapan ay tiyak na tiyak na kaya niya itong gampanan.

Dahil isa sa magandang qualifications ni Año kaya nito naabot ang pinakamataas na posisyon sa AFP ay naging hepe rin ito ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines.

Si Año ay product ng Philippine Military Academy Matikas Class of 1983 at nagtaposna cum laude. Siya ay tubong San Mateo, Rizal ung saan naging valedictorian siya noong siya ay nasa elementarya. (ai/mtvn)

Leave a Reply