DOH patuloy na binabantayan ang highly transmissible na Omicron variant

DOH patuloy na binabantayan ang highly transmissible na Omicron variant

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ng Department of Health (DOH) na patuloy nilang binabantayan, sa lokal at pandaigdigang antas, ang napaulat na paglaganap ng Omicron subvariants na may mas mataas umabong transmissibility.

Sa isang forum, sinabi ni DOH-Epidemiology Bureau Director IV Dr. Alethea De Guzman na ang Omicron at ang mga subvariant nito ay naging global prevalent sequence.

“In this year alone various Omicron subvariants with higher transmissibility or more significant immune evasion capacity have actually emerged and we are continuously monitoring it both at the local and global levels,” ani De Guzman.

Sinabi ni De Guzman na binabantayan ng Health Department ang dalawang subvariant ng Omicron, BQ.1. at BA.2.75, batay sa pagkakasunod-sunod na pagsusumite.

“Based on sequence submission, meron tayong dalawa na subvariant na Omicron na binabantayan dahil ang kanilang prevalence, pagtinotal natin lahat yung kanilang contribution sa lahat na na-sequence natin na samples, they accounted for more than 5% globally. That’s a lot considering ang dami ng subvariants ng Omicron,” paliwanag niya.

“Ibig sabihin continuously nag-occur pa rin siya hindi siya masyadong napapalitan ng bagong subvariants at ito pa rin yung mas madalas nating nakikita na mga subvariants,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply