Buong puwersa ng MPD tiniyak ang seguridad sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo Niño sa lungsod Maynila

Buong puwersa ng MPD tiniyak ang seguridad sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo Niño sa lungsod Maynila

MANILA — Buong puwersa ng Manila Police District (Manila’s Finest), kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga pribadong grupo ng bikers sa Divisoria ang magbabantay sa kabuuang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto.Nino de Tondo at Sto.Nino de Pandacan.

Nauna nang pinagtipon-tipon ang iba’t ibang tauhan ng 14 na istasyon ng MPD sa ginanap na seremonya sa harap ng simbahan ng Tondo.

Pasado alas-4 ng hapon ng Biyernes ay mismong si MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang nanguna sa pagtitipon, kasama ang kanyang mga staff na sina PCol.Raul Tacaca (DDA), PCol. Julius Ordoño (CDDS), PCol.Igmedio Bernaldez (D4), at PCol.Julius Añonuevo ng Force Commander DMFB ng MPD,.

Nagpaalala si Dizon na tinaguriang “The Game Changer General,” na huwag kaligtaan ang iniatang sa kanilang tungkulin na kung kailangan ay bigyan lamang ng warning ang mga hindi sumusunod at kung magpapatuloy pa ang mga indibiduwal na manggugulo o mag-iinuman sa kalye ay puwede na umano silang arestuhin.

Ngunit dapat pairalin ang ‘maximum tolerance,. pahayag ng Heneral ,basta may limitasyon.

Pinayuhan nito ang kanyang mga tauhan na pag-ibayuhin ang seguridad tulad ng nakaraang Fiesta ng Itim na Nazareno sa Quiapo na payapa at walang anumang kaguluhan at nairaos ang pagdiriwang nang maayos.

Inaasahan ng Heneral na magiging tagumpay ang kanilang plano kung saan pansamantalang walang mag-iinuman ng alak sa mga kalsada lalo na’t may liquor ban at gun ban.

Naging host sa pagpupulong si Police Lieutenant Colonel Harry Ruiz Lorenzo lll, Commander ng MPD- Moriones Police Station 2 kasama ang kanyang mga kapulisan at mga PCP commander sa nasabing seremonya.

Kabilang sa dumalo sina Police Lt.Col. Rosalino Ibay Jr. ng Station 1 at PLt.Col. Jonathan Villamor ng Station 7 na sumasakop sa kapistahan sa Tondo, Manila.

Naroroon din sina PLt.Col. Orlando Mirando Jr. ng Station 6, PLt.Col.Dionnelle Brannon ng Station 8, PLt.Col.Salvador Tangdol ng Station 9, at ang Commander ng Pandacan Police Station 10 na sumasakop sa Fiesta ng Sto.Nino de Pandacan.

Binasbasan ang mga kapulisan at mga miyembro ng pampribadong sector ni Tondo Church parish priest Fr.Casas.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Pinangunahan ni MPD-Director PBGen. Andre Dizon ang isinagawang send-off sa mga kapulisan na ginanap sa Plaza Hernandez sa tapat ng Sto. Niño de Tondo, kasabay ng pagbasbas sa mga kapulisan na mag-babantay para sa seguridad ng piyesta sa Tondo at Pandacan Maynila. (Benjie Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply