HUMAN INTEREST: Mga mangingisda tutol sa plano ng bansa na makisosyo sa pangingisda sa WPS

HUMAN INTEREST: Mga mangingisda tutol sa plano ng bansa na makisosyo sa pangingisda sa WPS

MANILA — Ayon sa mga mangingisdang ito sa lalawigan ng Batangas, may mga araw na maganda ang huli ngunit mas madalas na kaunti lang ang kanilang huling isda.

Sa isang simpleng katanungan ng MTVN newsmen — na nadalaw sa naturang lugar kamakailan — tungkol sa posibilidad na magkaroon ng pakikipagsosyo ang bansang Tsina sa Pilipinas sa pangingisda sa West Philippine Sea ay nagpahayag sila ng mariing pagtutol sa naturang plano.

“Latak na lang ang matitira sa atin sa kadahilanang mas malaking barko ang gamit nila kumpara sa atin na mga bangkang de motor lamang,” paliwanag nila kung bakit sila tumututol.

“Kung sa ngayon nga,” ‘ika nila, “ay halos hindi na kami nakakalayo masyado sa dati naming pinupuntahan dahil sa madalas na kami ay hinaharang ng kanilang barko samantalang sa ating sariling karagatan naman kami nangingisda.

Makikita sa larawan na may ngiti sa mukha ng mga mangingisdang ito dahil maganda ang huli sa araw na iyon ngunit banaag din sa mukha nila ang pangamba kung anong mayroon ang bukas para sa kanila sa karagatang pagmamay-ari ng Pilipinas ngunit nagmimistulang sa papel lamang.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply