2 police generals, 5 colonel ‘di pa nagpapasa ng CR

2 police generals, 5 colonel ‘di pa nagpapasa ng CR

Ni Arwen Pascua

MANILA — Pitong senior police officers ng Philippine National Police (PNP) na kasama sa target na 953 ang hindi pa nagpapasa ng kanilang courtesy resignation.

“Doon sa natitira na 24, tiningnan namin, dalawa roon ay heneral at lima doon ay
police colonel na. They are retiring within the 1st quarter,” Ayon kay PNP Chief, Gen. Rodolfo Azurin, Jr.

Gayunman, binigyan katwiran ni Azurin na dahil mayroon pa namang 16 na araw na palugit o hanggang Enero 31 kaya hindi pa nakapagsusumite ng CR ang mga ito.

“Baka ang iniisip nila anyway, 31 January pa naman ang deadline. So we are hopeful they would eventually submit also their courtesy resignations,” ayon sa PNP Chief.

Sa mga nagpahiwatig naman na third-level officers na hindi sang-ayon sa CR dahil inosente diumano sila o may mga pangamba, pinayuhan ang ito ni Azurin na makabubuting mag-comply na lamang sa apela ni Interior Secretary Benhur Abalos.

Upang, aniya, ma-clear ang kanilang mga pangalan at maalis ang agam-agam sa PNP na hindi lahat ng pulis ay may mantsa gayundin ang katotohanang maaaring maipagmalaki sa sarili nila na wala silang iregularidad.

“If they are innocent the more that they should come out. They should set an
example. Innocent ka pala eh, so you should submit yourself to an
assessment and evaluation because you are confident that you are
innocent,” ayon pa kay Azurin.

Samantala, nanindigan din si Azuin na bagaman mayroong nasaktan o nakaramdam ng low morale sa courtesy resignation appeal, may ebidensiya naman siya na hindi naman nawasak ang organisasyon at ang katotohanan na 97% ang nag-comply.

“97 percent shows that how responsive our 3rd level officers.
Ibig sabihin to them gusto na rin nila magkaroon ng closure yan kasi
nga mahirap nga yung inaakusahan natin lagi yung PNP hindi ba,” wika ni Azurin.

“So these are the 929 so far very responsive na mga 3rd level officers who
want their names to be cleared because they wanted to later on, aakyat
sila sa leadership ladder na unblemished sila as far as yung involvement nila
sa drugs is concerned,” dagdag pa ni Azurin. (ai/mtvn)

Leave a Reply