Hindi pagbabawalan ng Tsina mangisda ang mga Pinoy sa WPS — Marcos

Hindi pagbabawalan ng Tsina mangisda ang mga Pinoy sa WPS — Marcos

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos “Bongbong” Jr. na sa halip na “partnership,” nagkaroon ng kasunduan ang Maynila at Beijing kung saan “hindi pipigilan ng China ang ating mga mangingisda sa pangingisda” sa West Philippine Sea sa kabila ng patuloy na tensyon sa nabanggit na karagatan. 

Sinabi ni dating National Security Adviser Clarita Carlos noong Biyernes na pinag-aaralan ng Pilipinas ang panukala ng China para sa “partnership between fishing villages.”

Ngunit binalasa ito ni Marcos sa pagsasabing: “I don’t know how the word ‘partnership’ started to be used. It’s really an agreement that China will not stop our fishermen from fishing.”

“That’s it, very simple. They will allow our fishermen to fish, in the fishing grounds that they have used for many generations,” dagdag pa niya.

Sa isang pagbisita sa Beijing ngayong buwan, si Marcos at ang kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping ay parehong nanawagan para sa “friendly consultation to appropriately resolve maritime issues.” 

(ai/mtvn)

Leave a Reply