PNP-CIDG kakasa na rin vs onion smugglers

PNP-CIDG kakasa na rin vs onion smugglers

Ni Arwen Pascua

MANILA — Kasunod ng pagbusisi ng Senado hinggil sa umano’y cartel at monopolyo umano ng mga negosyante sa sibuyas na nagdulot ng paglobo ng presyo na pumalo sa P750 kada kilo noong Disyembre, kikilos na rin ang Philippine National Police (PNP) laban naman sa pagpupuslit nito sa bansa.

Sinabi ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin, isinama na rin ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa operasyon ng paglaban sa smuggling ng sibuyas.

Gayunman, bilang law enforcers, hindi lamang onion smuggling sakop ng kanilang operasyon kundi ang iba pang pagpupuslit ng agricultural products.

“Actually, ay isinama ang CIDG natin para po sa
isang unit na tutulong sa smuggling ng mga agricultural products na
kung saan ang naapektuhan din po ang ating mga farmers dito sa ating
bansa,”ayon kay Azurin.

Bilang kaagapay ng pamahalaan na maging normal ang pamumuhay ng taumbayan laban sa kriminalidad at kasama roon ang sitwasyon sa usapin ng sibuyas, magiging maigting na katuwang ng itinatag na yunit para labanan ang smuggling ang CIDG.

“We expect the CIDG na medyo maging aggressive sa pagtulong sa kampanya sa against smuggling,”dagdag pa ni Azurin.

Tiniyak din ni Azurin na kikilos na rin ang bagong talagang CIDG Director,
Brig. Gen. Romeo Caramat sa bagong misyon.

Magugunitang noong Disyembre ay nagpasaklolo na ang Department of Agriculture sa Department of Justice upang pigilan ang agricultural smuggling. (ai/mtvn)

Leave a Reply