Pulis tiklo sa drug buy-bust ops ng RDEU-NCRPO

Pulis tiklo sa drug buy-bust ops ng RDEU-NCRPO

Ulat ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Minsan pang napatunayang may mga aktibong miyembro ng kapulisan na sangkot sa drug trafficking nang masakote ang isa sa hanay nila dakong alas-9:45 gabi ng Lunes (16 January 2023) sa isinagawang operasyon ng Regional Drug Enforcement Unit-National Capital Region (RDEU-NCRPO) sa kanto ng Rizal Avenue at Lope de Vega, Manila.

Tinukoy ni NCRPO chief Maj. Gen. Jonnel Estomo ang supect na isang nagngangalang (Staff Sgt.) Ed Dyson Banaag. Siya ay naka-assign diumano sa Philippine National Police- Drug Enforcement Group (PDEG) main office sa Camp Crame, Quezon City.

Nakuha sa suspek ang kanyang dalang 25 gramong shabu, na may street value na P150,000, matapos itong makorner nang sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo matapos bumangga sa center island ng LRT sa nabanggit na lugar.

May kuhang video at litrato ng ID ng suspek na kalakip sa istoryang ito.

(Video at photo coverage ni Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply