Laban kontra pamimirata inaksiyunan

Laban kontra pamimirata inaksiyunan

Makikita sa larawan (mula kanan) ang panunumpa ng kooperasyon laban sa pamimirata, sa pangunguna nina REX Education chairman Atty. Dominador Buhain; Dean Lilibeth Aragon, President, Association of Administrators in Hospitality, Hotel and Restaurant Management Educational Institution; Atty. Rowel Barba, Intellectual Property Office of the Philippines; Stephen Floyd Abuso Gopes, Executive Vice President, Association of Law Students of the Philippines; at Jesus Manapat ng National Bureau of Investigation.

Kabilang sila sa iba’t ibang lider at representatives na dumalo sa conference tungkol sa Anti-Piracy Republic Act 8293 na ginanap kamakailan sa Manila Hotel. Tinalakay sa naturang pagtitipon ang ilegal na pangongopya, distribusyon ng copyrighted contents, at pagbibigay ng proteksiyon at eksklusibong karapatan sa mga scientist, inventor, artist at gifted na mamamayan.

(B. Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply