Lungsod Malabon namahagi ng ayuda sa 7K+ na senior citizens

Lungsod Malabon namahagi ng ayuda sa 7K+ na senior citizens

Sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval (kanan sa larawan), namahagi nitong Miyerkules (18 January 2023) ang lungsod ng Malabon ng cash assistance sa may 7,845 senior citizens mula sa 21 barangays sa pamamagitan ng kanilang programang Local Social Pension.

Layunin nito na mabigyan ng tulong ang mga senior citizen ng lungsod na walang natatanggap na pension mula sa national government.

Kabilang din sa mga tumanggap ang may 1,420 na iba pang indibidwal na nagmula naman sa iba’t ibang barangay ng Conception, Dampait at Hulong Duhat.

Kinailangan namang magbahay-bahay ang mga empleyado ng OSCA para maiabot ang tulong pinansiyal sa mga may sakit o karamdaman na seniors.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply