Mahinang plano sanhi ng kakulangan sa sibuyas sa bansa — Dar

Mahinang plano sanhi ng kakulangan sa sibuyas sa bansa — Dar

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ni dating Agriculture Secretary William Dar nitong Miyerkules (18 January 2023) na ang mahinang plano ay siyang sanhi ng kakulangan ng sibuyas sa bansa.

Nagbabala ang mga Agriculture officials noon pang Agosto 2022 sa posibleng kakulangan ng sibuyas dahil sa lumiliit na suplay.

“They knew there was deficiency… but ang question ay, why did they not proceed (with the importation)?” ani Dar, na dumaan din sa kritisismo noong kapanahunan niya dahil sa importasyon ng produktong agikultura pati na isda.

“So, at the end of the day, the bottom line, after all this, borrowing the lines of the Senate hearing, this is the net result of the poor planning of the Department of Agriculture,” dagdag pa niya.

Umakyat sa P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas sa ilang pampublikong pamilihan sa Metro Manila noong holiday season.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang sarili bilang pinuno ng agrikultura nang maupo siya noong Hunyo.

(ai/mtvn)

Leave a Reply