SAKUNA SA DAAN: Rider pumailalim sa truck sa Sucat, patay

SAKUNA SA DAAN: Rider pumailalim sa truck sa Sucat, patay

Isang rider na nakilala sa kanyang driver’s license na nagngangalang Richard Rupina ang sinamang-palad na binawian agad ng buhay nang madisgrasya sa kahabaan ng Sucat East Service Road, Muntinlupa City nitong Huwebes.

Ayon sa driver ng trailer truck, nag-counter-flow ang rider at nawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklo kaya pumailalim ito sa kanyang truck na agad nitong ikinasawi bandang alas-6 pa lamang ng umaga kanina.

Nagdulot ng sobrang pagsisikip ng trapiko sa naturang lugar ang aksidente dahil sa laki ng trailer truck na nakabalandra mismo sa gilid ng kalsada.

Kasalukuyang nasa kostudiya na ng mga pulis ang driver ng truck at iniimbestigahan pa.

Paalala naman ng mga rumespondeng kapulisan na laging mag-iingat at mahigpit na ipinagbabawal ang mag-counter-flow na madalas na ginagawa ng mga rider ng motorsiklo.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply