Dagdag presyo sa oil products nakaumang

Dagdag presyo sa oil products nakaumang

Ni Arwen Pascua

MANILA — Pinapayuhan ang mga motorista na ngayon pa lang ay magpa-full tank na dahil may inaasahang dagdag-presyo na naman sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry source, P1.80 hanggang P2 ang maaaring pagtaas sa presyo kada litro ng diesel, habang P2.40 naman hanggang P2.60 ang itataas sa kada litro ng gasolina.

Ang posibilidad ng ikalawang sunod na linggong dagdag presyo sa oil products ay bunsod ng tumaas na demand ng China maging ng malalamig na bansa.

Sa datos, ito na ang ikaapat na price adjustment sa petrolyo at ikatlong price hike ngayong 2023.

Ang una ay noong Enero 3 na price hike, sinundan ng bigtime rollback noong Enero 10, at price hike muli nitong Enero 17.

Sinabi naman ng oil industry source na maaari pang mabago ang itataas sa presyo ng oil products dahil hindi pa tapos ang trading days. (ai/mtvn)

Leave a Reply