Marcos: Panatilihin ang import duty rates ng deboned na manok at pabo

Marcos: Panatilihin ang import duty rates ng deboned na manok at pabo

Ni Liezelle Soriano

MANILA — Inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panatilihin ang kasalukuyang antas ng import duty sa mechanically deboned na karne ng manok at pabo.

“There is a need to maintain the reduced tariff rates on mechanically deboned meat of chicken and turkey to ensure the continued supply of essential food products at affordable prices, diversity the country’s market sources and help businesses recover and sustain their operations,” ani Marcos sa Executive Order No. 13.

Iginiit ni Marcos na ang pandemya ng COVID-19 at ang iba pang mga salik na nakakaapekto sa tradisyonal na pinagkukunan ng bansa ng mechanically deboned na karne ng manok at pabo ay nagdulot ng kawalan ng katiyakan sa supply ng mga ito.

“The high inflation prompted by supply constraints, expected shortage in the global supply, and rise in international commodity prices present economic and trade implications to the country and the Filipino people,” ayon sa Pangulo sa kanyang EO.

Kung matatandaan, pansamantalang binago ng Executive Order No. 82 (ni dating Pangulong Duterte) ang Most Favored Nation (MFN) rates ng import duty sa mechanically deboned na karne ng manok at pabo hanggang Disyembre 31, 2020.

(ai/mtvn)

Leave a Reply