‘Pag walang tikoy, ‘di matutuloy ang Chinese New Year’

‘Pag walang tikoy, ‘di matutuloy ang Chinese New Year’

Ito ang dahilan kung bakit apaw na ngayong Biyernes (20 Janaury 2023) sa malalaking groceries dito sa Binondo, Maynila at maging sa mga lansangan (nasa, larawan at video) pati na rin sa mga bangketa dito sa Chinatown ang tinaguriang Chinese New Year Cake o mas kilala sa mga Pilipino sa tawag na “Tikoy.

Ganap na magsisimula ang Chinese Lunar Calendar (Year of the Water Rabbit) sa darating na Linggo (22 January 2023), at tiyak na mayroong isa o dalawang kahon ng tikoy ang bawat hapag kainan ng mga Chinese-Filipinos pati na rin ang mga nakikigaya sa New Year ng Chinese na mga Filipino.

Ayon sa mga tindera, nagkakahalaga mula P100 ang mga Tikoy pataas o depende sa klase, gawa at flavor nito ngunit sa malalaking grocery naman ay mas mataas o doble ang presyuhan nito.

Ang tikoy ay “Niyan-gao” ang tawag sa mga Mandarin Chinese at sinasabi nilang “Year Cake“ o “Chinese New Year’s Cake” din sa iba.

Sinasabi ng ilan na ang pagiging malagkit ng Tikoy ay simbolo ng magandang samahan ng bawat pamilya o nagbibigay ng swerti buong taon.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply