Sunog sa Tondo umabot sa 3rd alarm, mga residente nag-bayanihan sa pag-apula ng apoy

Sunog sa Tondo umabot sa 3rd alarm, mga residente nag-bayanihan sa pag-apula ng apoy

MANILA — Umabot sa ikatlong alarma ang sunog umaga ng Sabado (21 January 2023) sa kanto ng Sandico at Barcelona streets sa Tondo, Maynila.

Ayon sa mga imbistigador, umabot sa third alarm ang sunog dahil makikitid ang mga iskinita sa naturang lugar na lubhang nagpahirap sa mga rumesponde upang maapula ang apoy.

Hindi naman naalis ang Bayanihan spirit ng mga residente na nagtulong-tulong gamit ang iba’t-ibang balde upang kahit papaano ay maiwasan ang pagkalat ng apoy sa iba pang mga kabahayan na gawa lamang sa light materials.

Kasalukuyang iniimbistigahan pa ang sanhi ng sunog pati na kung gaano kalaki ng pinsala gawa nito at kung may mga indibidwal bang na nasaktan o nasawi.

Makikita sa video at larawan na narito kung papaano magtulungan ang mga residente na mag-barangayanihan, tulong-tulong gamit ang mga balde na may lamang tubig upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng apoy.

(Benjamin Cuaresma/ai/mtvn)

Leave a Reply