Ethnic Maguindanaoan school principal patay sa gun attack

Ethnic Maguindanaoan school principal patay sa gun attack

Ni Arwen Pascua

MANILA — Agad nasawi ang isang ethnic school principal nang pagbabarilin ito ng hindi nakikilalang mga salarin sa munisipalidad ng Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur nitong Lunes (23 Enero 2023).

Ayon kay Police Brigadier General John Guyguyon, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nakilala ang biktima na si Benjie Maon, punong guro ng Mileb Elementary School sa munisipalidad ng Radjah Buayan.

Sugatan naman sa pamamaril ang 5-anyos na anak na lalaki ni Maon at 7-anyos na pamangking lalaki.

Ang mga biktima ay inatake ng mga salarin saka pinagbabaril sa Sitio Nadal sa Barangay Barurao.

Agad namatay ang nabanggit na guro bunsod ng tama ng mga bala sa maseselang bahagi ng kanyang katawan habang nagtamo rin ng sugat ang kanyang anak at pamangkin na nadamay sa pamamaril ngunit sa kabutihang palad naisugod naman agad sa ospital at nilapatan ng lunas.

(Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply