Muling paglulunsad ng pamosong Dinagyang Festival naging payapa, maayos

Muling paglulunsad ng pamosong Dinagyang Festival naging payapa, maayos

Ni Benjie Cuaresma

MANILA — Nagpakita ng husay at galing ang mga grupo o tribu mula sa iba’t ibang lugar ng Iloilo City sa muling paglulunsad ng Dinagyang Festival kung saan umabot sa walong participants ang nag-perform sa Freedom Grandstand.

Naging payapa at maayos naman ang muling pagdiriwang ng sikat na Dinagyang Festival matapos ang dalawang sunod na taon na pagkakakansela dahil sa pandemya ng Covid-19.

Ang pagiging payapa ng muling paglulunsad ng DF ay kredito sa buong kapulisan ng Region 6 sa pamumuno ni Regional Director Brig.Gen. Leo “Paco” Francisco kaakibat ang matitikas na miyembro ng Philippine Coast Guard ng Iloilo City.

Lubos naman ang pasasalamat ni iloilo City Mayor Jerry Treñas sa mga dumalo at nakisaya sa Dinagyang Festival 2023. (Amado Inigo/MTVN)

Leave a Reply